Mga serbisyo
Hinahawakan namin ang mga sumusunod na usapin para sa mga indibidwal, pamilya, negosyo, kooperatiba at may-ari ng lupa, sa mga korte at ahensya saanman sa Pilipinas.
Kasong sibil at paniningil
Paniningil ng utang, small claims, danyos, at problema sa kontrata, mula sa demand letter hanggang sa pagpapatupad ng desisyon.
Basahin →ii.Kasong kriminal
Para sa akusado o sa nagrereklamo, mula sa preliminary investigation hanggang sa paglilitis at apela.
Basahin →iii.Kasong pang-trabaho (labor)
Illegal dismissal, hindi nabayarang sahod at benepisyo, at iba pang money claims, para sa empleyado o employer.
Basahin →iv.Usaping pampamilya
Nullity, annulment, legal separation, kustodiya ng anak, sustento at protection order.
Basahin →v.Pagpapaalis at problema sa lupa
Unlawful detainer, forcible entry, pagbawi ng lupa o ari-arian, at problema sa hangganan.
Basahin →vi.Korporasyon
Pagtatayo ng korporasyon, rehistro at compliance sa SEC, mga dokumento ng korporasyon, at alitan sa loob ng korporasyon.
Basahin →vii.Kooperatiba
Rehistro, by-laws, pamamahala, alitan ng mga miyembro, at pagharap ng kooperatiba sa korte.
Basahin →viii.Usaping agraryo
CLOA, emancipation patent, kooperatiba ng agrarian reform beneficiaries, at alitan sa lupang sakahan.
Basahin →ix.Expropriation at tamang bayad sa lupa
Para sa may-ari ng lupang dadaanan o kukunin ng gobyerno o ng utility company.
Basahin →x.Mana at ari-arian
Extrajudicial settlement, deed of sale, paglilipat ng titulo, at hatian ng mga tagapagmana.
Basahin →xi.Retainer para sa negosyo
Tuloy-tuloy na legal na payo para sa negosyo: kontrata, compliance, demand letter at alitan.
Basahin →xii.Negosasyon at areglo
Pakikipag-usap para sa kliyente at paggawa ng kasunduan sa areglo, bago o habang may kaso.
Basahin →xiii.Pagpapanotaryo
Affidavit, deed, kontrata at special power of attorney. Kung wala pa kayong dokumento, maaari namin itong gawin para sa inyo.
Basahin →Pangkalahatang impormasyon lamang ang pahinang ito tungkol sa serbisyong ito. Hindi ito legal na payo, at maaaring iba ang proseso sa inyong kaso.
Pag-usapan natin ang inyong problema.
Ang konsultasyon ay sa pamamagitan ng appointment sa aming opisina sa Davao City. 0917-823-0577 · office@tmlawph.com