ii. Mga serbisyo
Kasong kriminal
Para sa akusado o sa nagrereklamo, mula sa preliminary investigation hanggang sa paglilitis at apela.
Ang kasong kriminal ay maaaring makaapekto sa kalayaan, trabaho at pamilya ng isang tao. Tinutulungan namin ang nagrereklamo at ang inaakusahan, sa opisina ng piskal at sa korte.
Paano kami makakatulong
- Paghahanda at pagsampa ng complaint-affidavit
- Counter-affidavit at reply sa preliminary investigation
- Inquest at piyansa (bail)
- Paglilitis at paghaharap ng ebidensya
- Apela at iba pang remedyo
- Karaniwang kaso: estafa, B.P. 22 (talbog na tseke), physical injuries, pagnanakaw, droga, cybercrime, at VAWC (R.A. 9262)
Ang karaniwang proseso
- Reklamo. Isinasampa ang reklamo sa opisina ng piskal, kasama ang mga affidavit at ebidensya.
- Preliminary investigation. Magsusumite ng affidavit ang dalawang panig. Titingnan ng piskal kung may sapat na batayan para isampa ang kaso sa korte.
- Paglilitis. Kapag naisampa na sa korte, dadaan ito sa arraignment, pre-trial at trial.
- Desisyon at apela. Maglalabas ng desisyon ang korte. Maaari itong iapela sa loob ng panahong itinakda ng batas.
Pangkalahatang impormasyon lamang ang pahinang ito tungkol sa serbisyong ito. Hindi ito legal na payo, at maaaring iba ang proseso sa inyong kaso.
Kaugnay na gabay
Talbog na tseke (B.P. 22): ang mga dapat malaman
Kailan nagiging krimen ang pag-isyu ng talbog na tseke, at ano ang notice of dishonor.
Basahin →Iba pang serbisyo
Kasong sibil at paniningil
Paniningil ng utang, small claims, danyos, at problema sa kontrata, mula sa demand letter hanggang sa pagpapatupad ng desisyon.
→Kasong pang-trabaho (labor)
Illegal dismissal, hindi nabayarang sahod at benepisyo, at iba pang money claims, para sa empleyado o employer.
Tingnan lahat ng serbisyo
Hinahawakan namin ang mga sumusunod na usapin para sa mga indibidwal, pamilya, negosyo, kooperatiba at may-ari ng lupa, sa mga korte at ahensya saanman sa Pilipinas.
→Pag-usapan natin ang inyong problema.
Ang konsultasyon ay sa pamamagitan ng appointment sa aming opisina sa Davao City. 0917-823-0577 · office@tmlawph.com